Kung Magpapakasal Kaming Muli
Enggrande o Simpleng Kasal Ba? Ikalawang Patimpalak sa Wikang Tagalog
Hanggang ngayon, sariwa parin sa aking isipan ang mga naganap sa aming kasal sa nagdaang taon. Tandang-tanda ko pa ang mga masasayang sandali at bawat detalye nito. Kahit nga ang lugar at oras noong ako ay sinagot niya (Grace), ang aking paghingi ng kanyang mga kamay, ang aking pamamanhikan, at ang aming paghahanda sa aming prenup at kasal. Mga napakasayang araw na kay gandang balik-balikan.
Kaya naman hindi ako nag-atubiling makilahok sa patimpalak na ito kahit hindi talaga ako magaling magsalita o gumamit ng wikang Tagalog. Alam nyo bang kapag pumupunta sa Manila, nagbibisaya parin ako kasi hindi talaga ako sanay sa paggamit ng ating pambansang wika. Ganunpaman, hayaan ninyo akong sagutin ang tanong kung anong klaseng kasal ang gusto kong mangyari para sa akin, kung enggrande pa o simple lang.
Alam ko naman na hindi batayan ng pagmamahalan ng dalawang tao ang uri ng kasal na mayroon sila kung ito ba ay enggrande o simpleng kasal lang. Alam ko rin na may mas importanteng bagay na dapat paglaanan ang pera bukod sa pagpapaganda pa lalo ng isang kasal. Pero, kung may kakayahan naman kami na mas mapaganda pa at mas espesyal pa ang aming kasal na hindi basta basta lang makakalimutan, gagawin kong enggrande ang aming kasal.
Unang kadahilanan, pera namin ang gagamitin, kaya kami lang ang magdedesisyon kung paano namin ito gagastuhin. Pangalawa, bakit pipiliin namin ang payak na kasal kung kaya naman namin ang isang enggrandeng kasal na magpapasaya sa aming dalawa. Pangatlo, kaming dalawa ay may karapatan para pumili ng kung ano ang para sa amin. At huli, deserve namin iyon.
Siguro para sa iba, pagwawaldas iyon ng pera. Naiintindihan ko iyon. Nirerespeto. Pero, gaya ng nasabi ko kami lang ang magdedesisyon kung paano namin gagamitin ang pera. Pera namin iyon. At ang pera, nahahanap iyon pagnawala at pagginamit, pero ang sandali at alaala ay magtatagal habang buhay. Ang pera ay ginagamit ng tao, hindi ang kabaliktaran nito.
Walang masama sa pagpili sa isang payak at simpleng kasalan at wala ring masama kung ang dalawang nagmamahalan ay pumili ng enggrandeng kasal. Katulad ng hindi kasalanan ng isang tao na maghangad at mangarap na guminhawa sa buhay at manatili doon.
Bago idaos ang kasal mag-uusap muna ang dalawa kung anong klaseng kasalan ang gusto nila. Syempre, kukunin ang lahat na mga detalye na kailangan. Kung maging desisyon ng dalawa na gawing enggrande ang kanilang kasal, labas na doon ang ibang tao pati ang kani-kanilang mga magulang. Gagawa sila ng sariling pamilya, kaya dapat marunong din silang gumawa ng sariling desisyon. Dapat lang na pakatandaan na kung maghahangad man ng enggrandeng kasal, kaya nila ang gastusin, hindi magkanda-utang na magiging dahilan ng pag-aaway at hiwalayan.
Kung maghahangad man kami ni Grace, na ikasal ulit, pipiliin namin ang enggrandeng kasal dahil deserve namin iyon. Deserve namin na maging pinakamaganda at pinakapogi sa araw ng aming kasal. Deserve namin na hindi mag-alala sa kakainin ng mga guests. Deserve namin, deserve ninuman.
Kahit ano pa man ang klase ng kasal na mayroon ka ang mahalaga ay mahal ka at mahal mo rin.
https://twitter.com/1196032613896478720/status/1630147012204298241
The rewards earned on this comment will go directly to the people sharing the post on Twitter as long as they are registered with @poshtoken. Sign up at https://hiveposh.com.
I do agree. It's always the couple's choice of what kind of wedding they like. Basta ako ganahan rakos amua sad. Hahaha
Nindot sad atong inyo! Evrytime we spend time to the people we love it will always feel grand.
Wow!
Gusto ko yung deserve namin yun.Grabe bro, nasa point kami ni misis na minsan nag rereflect kami kung tama ba na nag enggrande kami na kasal. Pero nangyari na HAHAHA no need to cry over spill milk ika nga.
Salamat dito na empower ako na tama parin ang ginawa namin!
Ang kaibahan lang bro, walang celebrity at politiko yung kasal namin. Hahaha At controlled talaga ang number of guests.
Sana all na eempower haha. Thank you too!
as long as kaya sa budget, di nangutang at masaya sa desisyon, wlang problema! so happy to see you here super nice ang kasal!
Thank you maam! Nangutang maam kasi na scam hahahh. Pero, masaya sa desisyon! 😍🧡
okay ra kay inyu man money..hehe
-Hi! Agree po ako sa sinabi mo, choice nyo yun at basta masaya at kaya panindigan ang expenses na walang madadamay na iba kapag nagkaproblema. And most of all , God-centered ang kasal may love and respect po sa bawat isa. Thank you po for sharing your article,. Congratulations, May God bless you more! Have a blessed day!🙏