Bawat Sulok | Orihinal na likha ni @joreneagustin

1000139131.png

Tila tahimik na ang hangin ng nakaraan
‎Payapa ang ilog na walang katapusan
‎Sumasayaw, mga berdeng kahoy sa daan
‎Nasasabik ang pagsikat ng araw para sa kinabukasan.

‎Ngunit bakit bumibigat ang nadarama
‎Unti-unting nalungkot at natulala
‎Bumabalik ang mga bagay na nilimot na,
‎Ang dating ikaw at ako - alaala nating dalawa.

‎Akala ko’y lumipas na — tapos na.
‎‘di na maipipinta kung sakaling babalik pa.
‎Sugat ay naghilom sa mga panahong lumipas,
‎Ikaw at ako’y, naglaho’t kumupas.

‎Ngunit bakit ngayon
‎sa pagtapak ko dito sa nayon,
‎Ikaw, ikaw ang unang naiisip
‎Binibiro ako ng tadhana, ang ating nakaraan sa aki’y pinapasilip.

‎Sa puso tila’y karayom ang tumutusok
‎Sa isip laging ikaw ang pumapasok
‎Tila ako’y nasa isang tuktok
‎Pinapanood, ating mga ala-ala sa bawat sulok.

1000139132.png

1000139133.jpg



0
0
0.000
6 comments
avatar

Wow ...tila ako ay nabibighani bumasa sa iyong malikhaing gawa storya...😍😍

Ganda namn ng Pagka sulat nito...tagos sa puso talaga Pag binigyan buhay while reading this😍😍dama ko ang sakit at pighati ng author while writing this piece..😭😭👋🏽👋🏽👋🏽

0
0
0.000
avatar

Naway ipagpatuloy mo ang pagggawa ng mga tula na sariling atin. Ito'y isang kahanga-hanga na talento at kakayahan.

0
0
0.000
avatar

Maraming salamat po sa inyong komento, opo sisikapin ko pong makagawa ng marami pang tula. 🫶

0
0
0.000
avatar

Congratulations @joreneagustin! You received a personal badge!

Happy Hive Birthday! You are on the Hive blockchain for 8 years!

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking

0
0
0.000