"Pera na, naging bato pa" something like that

Mahal ko ang pera at kahit anong mangyari di ko bibitawan ang pera dahil isa sya sa dahilan bakit masaya ako ngayon na nabubuhay, maliban kapag nasaid ang laman ng wallet, huhu, yes, oo, tumpak, tama ang narinig nyo! Nabasa, I mean. Masaya ako sa pera, masaya na kong ka holding hands ay money, okay na okay sa'kin ang makipag date sa pera dahil bakit hindi diba? Lol. Para sa kapwa kong mukhang kwarta diyan, kelan ka hindi pinasaya ng pera mo?

Ganda ng intro ko no? Gusto ko lang kasi talagang malaman ng mundo na mahal ko ang pera, lol. So anyway, my way, sa panahon ngayon ang hirap na talaga kapag walang kwarta sa bulsa no? Yong tipong gusto mo sana ng candy kaso nangangamba ka na baka mag tuloy tuloy ang gastos kaya ang ending, huwag nalang. Idagdag nalang pang bili ng ulam, mas paki pakinabang pa. Sa mahal ba naman ng bilihin ngayon, talagang ultimo limang piso titipirin mo, tsk tsk.

Ma share ko lang ha, yong dating Candy na piso dalwa ngayon apat lima na, ganon na kalaki ang tinaas ng bilihin ngayon. Actually lahat nag mahalan na talaga ee, ako nalang ang hindi minamahal ಥ_ಥ, lol. Sana talaga unlimited ang pera para di na natin iisipin ang igagastos pang biling ulam bukas, hirap na nga mag isip ng e-uulam, mas humirap pa lalo limitado lang laman ng bulsa, aguy na. Plano ko nalang talagang mag hanap ng asukal de papa para easy life nalang, lol.

Pero mabalik tayo sa topic, Paano kung makapulot ka ng limang daang piso sa kalsada. Ano ang gagawin mo? Hahanapin mo ba ang may-ari nito o itatabi mo at gagamitin sa personal na pangangailangan? Una sa lahat, malaking halaga na din ang limang daan ha, makakabili kana ng mga limang kilong bigas niyan, imagine mo ilang araw mo ng pwedeng e consume yan. Makakabili kana din ng ulam if gugustuhin, pweded ding de lata.

Kapag talaga adult kana tapos nakahawak ka ng kwarta, talagang kikinang ang mata mo gawa sa excitement no? Like ang una mo talagang maiisip, kailangan mapunta yong sa pangangailangan at hindi dahil sa needs lang. Magkakalkula kana agad, daig pa ang may pinapakain na sampung anak, lol. Pero ganon kasi talaga lalo gusto mo ng maging dependent diba, paghahanda para sa nalalapit na pag harap kay "Future."

So dahil mahilig akong mag calculate once makahawak ako ng pera, if ever man makapulot alo ng limang daan, malamang ibubulsa ko na yan. Sorry pero di kasi ako mabait, greedy ako sa totoo lang, lol. Saka, if napulot ko yon sa may kalsada na hindi matao, malamang yong nakahulog non nakauwi na sa kanila. Di talaga ako ganon kabait para lang mag antay sa kumg sino mang nakahulog non.

IMG_20230412_172246.jpg

Ang gagawin ko, e-uuwi ko na sa bahay sabay bibili ako ng masarap na ulam, coz why not diba? Nahulog yon for a reason, so bakit di gamitin sa magandang bagay, diko naman ninakaw so di naman siguro masama if angkinin ko na diba, haha. But, kung halimbawa mang may maghabol, syempre ibabalik ko. If sa kanya talaga yon diba alangang angkinin ko pa yon, lol. Pero kapag wala, then AKIN NA TO! BWAHAHAHAHA! Magbunyi! Honest na sagot yan, ikaw ba?

20220714_175943_0000-removebg-preview.png



0
0
0.000
17 comments
avatar

Hahaha! O iuwi yan pag walang nang aangkin. Bili agad food.

0
0
0.000
avatar

Hahahaha matic na yan, pero bago yong yong pag dampot muna, pano dadamputin uon? Hahahaha

0
0
0.000
avatar

Korek din Naman sis di Rin Naman pwedeng iwanan mo na lang doon Pera eh heehhe kaya Kunin na at ibili Ng pagkain hehehe.

0
0
0.000
avatar

Hahah gusto ko yang matic na kalkula talaga same na same kaya bilang ang pera.

Magpa liempo ka o kaya lechon manok pag ganyan nako solb na yan!

0
0
0.000
avatar

Hahahaha oks na oks mandin pang liempo da andoks ahahaha. Kuu, napapahiling tuloy ako now na sana makapuloy ako ng 500 now ahahaha

0
0
0.000
avatar

I have a sad story for this. Noon, nakapulot ako ng pera, may naghanap, hindi ko isinauli. Until now, I keep on thinking, baka need talaga niya masyado yong money na yon tapos ibinili ko din ng bigas namin. Basta I regret that action.

0
0
0.000
avatar

Awwww, ito ang nakakakonsensya yong kapag may naghanap, aguyyy. Tas nataon pa na walang wala ka din that time no aruyyy ಥ_ಥ

0
0
0.000
avatar

Food is life and why not. Hehehe. Finders keepers! 😀

0
0
0.000
avatar

Oo nga naman ano, kung walang tao kanino mo isusuli? hehe. And ulam agad, matic talaga lol!

0
0
0.000
avatar

Galing mag intro ah! No pretentions at all. Ahhahaha meron din akong kwento tungkol sa 500 na yan. I will be sharing it too. Hehehe

0
0
0.000