MCGI COMMUNITY | BASAHIN ANG AKING BAGONG REPLEKSYON : "Ano ang pampapatibay sa pagsasama ng mag-asawa?" - PART 1 ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™Œโ˜๏ธ

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! ๐Ÿ˜‡

Isang magandang araw po sa ating lahat, unang una sa ating Panginoong Dios na walang sawang nagpapakita ng Kanyang pagmamahal sa akin at sa ating lahat. Nagpapasalamat din ako sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin dito sa Community na ito lalong lalo na ang Founder at Moderators ng MCGI Hive Community kung kaya patuloy rin akong gumagawa ng mga repleksyon dahil unang una marami akong natutunan at pangalawa sana din ay maraming natutunan ang lahat ng mga bumabasa nito.

Ngayon nga din ay meron na naman akong bagong repleksyon na ibabahagi sa inyong lahat, at ito merong dalawang parte. Ang topic na ito ay tungkol sa pag-aasawa at ang title ni ay, "Ano ang pampapatibay sa pagsasama ng mag-asawa?".

Screenshot_20230906-202446.jpg

Bilang isang single pa lang pero meron na din akong plano na mag-asawa, isang magandang pagkakataon sa akin na meron akong mga aral na nakikita o naririnig mula sa Salita ng Dios kung kaya ngayong nakita ko ang topic na ito na tungkol sa pagpaatibay ng pagsasama ng mag-asawa pinanuod ko talaga ito dahal alam kong makakatulong ito sa akin.

Screenshot_20230906-203813.jpg

Sa lahat ng stado sa buhay mapa single ka man o mag-asawa ay hindi talaga nawawala ang tentasyon, at lalong lalo nga ito sa mag-asawa na kung kaya kailangang sa mag-asawa ay hindi dapat na sila lang dahil maraming mga testasyon o mga tukso ng satanas sa paligid. Ibig sabihin ng hindi dapat sila lang, ay kailangan nila ang Dios lalong lalo na ang mga salita o utos ng Dios.

Mga Gawa 14:21 โ€œNa pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios."

Sa mga mag-asawa ay kailangang maging matatag o maging depende sa mga utos ng Dios upang sila ay hindi madaling matibag at mas lalong tumibay ang pagmamahalan. Bakit kailangang maging matatag sa Salita o utos ng Dios dahil ito ang ginawa ng mga apostolis noon at kahit na nga din sa atin ngayon.

Ayon pa sa Salita ng Dios na dapat maging matibay ang ating mga kaluluwa sa pamamagitan ng ating pananampalataya at kung sakaling meron mang mga pighati o mga problema ay hindi tayo dapat mawalan ng pagasa dahil nandiyan ang Dios na laging tumutulong sa atin.

Screenshot_20230906-205222.jpg

Sa mga mag-asawa kailangan na mapatibay nila ang kanilang pananampalataya sa Dios at sa utos ng Dios pero paano ito mangyayari? Mangyayari lamang ito kung sila ay lalapit sa mga mangangaral ng mga Salita at utos ng Dios. Hindi hindi ito magagawa ng mag-asawa ng sila lang kaya kailangan nila ng mga malalapitan nilang merong alam sa Salita ng Dios o nangangaral ng mga utos ng Dios.

1 Corinto 14:3 โ€œDatapuwa't ang nanghuhula ay nagsasalita sa mga tao sa ikatitibay, at sa ikapangangaral, at sa ikaaaliw."
Roma 15:4 โ€œSapagka't ang anomang mga bagay na isinulat nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pagaliw ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa."

Maganda talaga na ang mga mag-asawa ay lumalapit sa mga nagtuturo ng mga Salita o utos ng Dios lalo na yong mga totoong nangangaral ng mga utos ng Dios dahil alam natin na ang mga Salita ng Dios ay tumutulong sa atin upang tayo ay maging matibay sa pananampalataya sa Dios. Upang ang isang pamilya ay mas maging matibay ang pagmamahalan at pagsasama ay kailangan nilang makinig sa Salita ng Dios.

Screenshot_20230906-210717.jpg

Ang Salita ng Dios o ang ebanghelio ay siyang magpapatibay ng pagmamahal at pagsasama ng pamilya dahil dito marami tayong mababasa na nagtuturo patungkol sa pag-aasawa halimbawa nito ay sa Efeso 5:28, na dapat ibigin ng lalake ang kanyang asawa na parang kanyang sarili. Dito pa lang masasabi natin na ang Salita ng Dios at ang Kanyang mga utos ang magpapatibay sa pagmamahal at pagsasama ng mag-asawa.

Paghuli kong masasabi para sa aking repleksyon tungkol sa unang bahagi ng topic na ito, ay tanging sa Dios lang tayo makakasiguro upang ang ating pamilya o ang mag-asawa ay mas matibay at wala ng iba. Kailangan din tayong mapalibotan ng mga tao o mga mangangal ng mga Salita at utos ng Dios dahil sila ay tumutulong sa atin kung anong mas magandang gawin hindi ito magagawa ng mag-asawa ng sila lang kombaga kailangan ng mga tulong at advises mula sa mga taong mas may maraming alam sa Salita ng Dios.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Ano ang pampapatibay sa pagsasama ng mag-asawa? Part 1", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Hive Community. Hanggang sa susunod at sa aking bagong repleksyon sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™Œโ˜๏ธ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
0 comments