MCGI Cares Hive Community | "Pagbabalik-loob sa Dios" πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Maligaya at Mapayapang araw sa ating lahat! πŸ˜‡

Unang una sa lahat, ang higit at una kong pasalamatan ay ang ating buhay na Dios dahil sa walang sawa Niyang pagbibigay sa akin ng lakas at magandang pangangatawan sa araw-araw, at sa pagbibigay sa akin ng aking lahat na pangangailanagan.

Buong puso din ang aking pasasalamat sa lahat ng mga Admins at Moderators ng MCGI Cares Hive Community dahil sa walang sawang pagsupporta sa lahat ng aking mga repleksyon at sa lahat ng mga members.

Ngayong araw nga din na ito, magbabahagi na naman ako ng aking panibagong repleksyon tungkol sa featured topic na ibinahagi sa Community na nagtatalakay tungkol sa relasyon sa ating buhay na Dios. Ang titulo ng topic na aking pagbabahagihan ng repleksyon ay "Pagbabalik-loob sa Dios". Ang dalangin ko ay tayong lahat ay merong matututunan sa topic at sa aking repleksyon.

1 Corinto 10:13 β€œMagsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin.Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagka't malambot ang aking pamatok, at magaan ang aking pasan."

Screenshot_20231227-181559.jpg

Habang tayo nga ay nandito pa sa mundong ito, hinding hindi natin maiiwasan na tayo ay mahihirapan at mawawala sa mga kamay ng Dios dahil na rin siguro sa ating mga sariling desisyon sa buhay.

Pero bagamat dumating tayo sa punto ng ating buhay na mahirap dahil parang nararamdaman natin na malayo ang Dios sa ating buhay, tatatandaan natin na merong magandang imbetasyon ang Dios para sa atin.

Ang gusto lamang ng Dios na tayo ay lumapit sa Kanya at tayo'y kanyang pagpapahingahin sa lahat ng ating mga dinaranas. Ang tanging malalapitan natin ay ang Dios lamang kung kaya dapat na tayo ay handang lumapit at humingi ng tulong sa Kanya, at magsipag-aral tayo tungkol sa Kanya upang mas makilala natin ang Dios, dito malalaman natin kung gaano Siya kabuti sa ating mga buhay.

Screenshot_20231227-181656.jpg

Screenshot_20231227-181732.jpg

Hebreo 4:12 β€œSapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso."

Lumapit pa tayo sa Dios at mag-aral sa Kanyang Salita lalong lalo na ang mga Salitang itinuto ng ating Panginoong Hesu-Kristo dahil ang Kanyang mga salita ay may kapangyarihan upang baguhin ang isang tao. Kayang kaya baguhin ng Dios ang ating mga buhay at kahit na ano pa yang mga paghihirap na ating nararanasan.

Ayon sa kanyang Salita, ating mababasa dito na ang Salita ng Dios ay buhay, mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim na kayang kayang baguhin ang kung ano mang stadu ng isang tao, sa pamumuhay, kaugalian, at kahit ano pa mang hindi magagandang pangyayari sa isang tayo, kayang kaya itong baguhin ng Dios.

Screenshot_20231227-182028.jpg

Alam natin na tayong lahat sa mundong ito ay hinding hindi magtatagal dahil meron tayong allotted time or itinakdang panahon kung kaya kailangan tayong mag-aral araw-araw sa Salita ng Dios. Inianyayahan tayo ng ating Panginoong Hesu-Kristo na mag-aral sa Kanyang mga aral at Salita na ating mababasa sa Bibliya. Kailangan natin itong gawin habang may panahon pa tayo at meron tayong magandang kalagayan at pangangatawan, hindi sa kapag nasa huli na ang lahat.

Ngayon naman, para sa aking huling masasabi tungkol sa repleksyon ko ng topic na ito. Masasabi ko na talagang magandang pag-aralan natin ito dahil kung ating titignan ang ating paligid sa mga panahong ito, marami ang nawawala na sa Dios o nakalimutan na ang Dios.

Kung kaya, magandang malaman natin na inianyayahan tayo ng ating Panginoong Hesu-Kristo na tayong lahat ay kailangan ng mag balik loob sa Dios habang may panahon pa hindi sa panahong huli na ang lahat.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, "Pagbabalik-loob sa Dios", at labis ang aking pasasalamat sa Dios sa lahat ng aking natutunan sa topic na ito, at salamat sa Dios sa lahat ng mga sumusuporta sa akin lalong lalo na ang MCGI Cares Hive Community. Hanggang sa susunod at sa aking bagong repleksyon sa bagong topic na naman mga kapatid.

To God be all the Glory! πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
0 comments