Ang aking Bagong Repleksyon: PAGTITIIS SA TUKSO

Maliga at Mapayapang araw sa ating lahat! πŸ˜‡

Isang panibagong magandang linggo ang nagdaan sa atin mga buhay at isang bagong linggo na din ang ating susuongin at sa tulong ng Dios makakaya natin itong lahat, at sa bawat araw nga nagdaan sa ating mga buhay ay tiyak na meron mga pagkakataun na tayo ay dumaranas ng iba't ibang pagsubok sa buhay at mga tukso dahil nga sa bilang tao ay hindi tayo makaka iwas sa mga ito, pero atin lang tatandaan na meron tayong Dios na handang tumulong sa atin sa panahon ng tukso. Ngayon naman sa aking panibagong Reflection sa topic na ibinahagi sa akin na merong title na, "PAGTITIIS SA TUKSO", salamat sa Dios dahil marami akong natututunan tungkol dito at dito nga sa blog na ito ibabahagi ko ang mga natututunan ko.

1.png

Isang napaka gandang topic naman ang ibinahagi sa akin at noon napanuod ko ito sa YouTube Channel ng MCGI Community, marami talaga akong natutunan dahil minsan sa aking buhay ay dumaan o naranasan ko na rin ang ma tukso sa iba't ibang paraan o bagay mundon ito. Isa nga sa tuksong hinding hindi ko malimutan na nangyari sa aking buhay noong hindi ko pa nakilala ang Dios sa aking buhay ay ang mga besyo tulad na lamang ng pag-iinom at marami pang iba, pero nabago itong lahat sa tulong lamang ng Dios. Buhat noong nakilala ko na ang Dios ay, binigyan Niya ako ng pusong matutong magtiis sa kahit na ano mang klasing tukso na dumating sa akin.

Santiago 1:12 β€œMapalad ang taong nagtitiis ng tukso; sapagka't pagkasubok sa kaniya, siya'y tatanggap ng putong ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya.”

2.png

Ayon pa sa salita ng Dios sa Santiago 1:12 na mapalad ang taong nagtitiis ng tukso, dahil nga sa hinding hindi natin maiiwasan ang tukso sa ating buhay, at sa tulong ng Dios makakaya natin itong matiis at ayon pa kay Bro. Eli na, "Habang marami ang tukso, mapalad ka - kainlan? Kung titiisin mo." at para sa akin ay tama itong dahil handa namang tumulong ang Dios para sa atin kung kaya habang merong mga tukso o mga pagsubok na darating sa atin mga buhay, magtiis lamang tayo dahil meron din ipinangakong putong ng buhay kung matututo tayong magtiis sa tulong ng Dios.

Kung ating titignan, bakit merong mga tukso o pagsubok ang darating sa ating kapag nakilala na natin ang Dios, dahil kabilang na tayo sa pamilya ng Dios at ang satanas ay hindi niya ito gustong mangyari kung kaya merong mga tukso o pagsubok sa ating mga buhay dahil gusto ng Satanas na magbalik loob tayo sa kanya, pero tatandaan lamang natin na parti ang mga tuksong ito sa ating kaligtasan dahil ayon pa sa Salita ng Dios Mateo 24:3, "Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas."

1 Corinto β€œHindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa't tapat ang Dios, na hindi niya itutulot na kayo'y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito'y inyong matiis.”

3.png

Marami mang mga tukso o pagsubok ang darating sa ating mga buhay pero ating tatandaan na hindi tayo binibigyan ng tukso o pagsubok na hindi natin makakaya o matitiis. Hinding hindi tayo pababayaan ng Dios sa bawat tuksong darating sa ating mga buhay, hinding hindi papayag ang Dios na tayo dadaan sa tukso na hindi natin matitiis at ganyan tayo kamahal ng Dios.

Ang topic na ito patungkol sa pagtitiis sa tukso ay talagang napaka ganda dahil ito ay nag bigay ng karagdagang kaalaman kung paano natin matitiis ang mga tukso o pagsubok na darating sa ating mga buhay at talagang nagpapasalamat ako sa Dios sa lahat ng mga ito. Ang tanging masasabi ko lang ay hinding hindi tayo pababayaan ng Dios kung sakaling dumaranas o darating sa ating mga buhay ang tukso dahil hindi Niya tayo bibigyang ng tukso na hindi natin kayang matiis.

Hanggang dito nalang din po ako sa aking reflection tungkol sa bagong topic na ito na merong title na, Pagtitiis sa tukso at talagang marami akong natutunan sa lahat ng mga na discuss ni Bro. Eli, at salamat sa Dios sa lahat ng ito.

To God be all the Glory! πŸ˜‡πŸ™Œβ˜οΈ

Your Friend
@godlovermel25


image.png

received_2638631723130236.gif
Thanks to @kennyroy for
the animated GIF.



0
0
0.000
2 comments
avatar

Tama ka, sa mga panahong tayo ay nasusubok at natutukso, doon natin makikita ang lakas ng ating pananampalataya at tibay ng ating karakter. Sa tulong ng Diyos, kahit ano pang hamon ang ating harapin, matitiis natin ito.

0
0
0.000
avatar
(Edited)

Amen po,...maraming salamat po sa ating Panginoon.πŸ˜‡β˜οΈπŸ™

0
0
0.000