Nagamit Din Ang Kanyang Talento
Ang kwentong ito ay ukol sa pangyayari na naganap sa araw ng Linggo.
Akala ko walang mangyayaring kakaiba sa araw ng Linggo. Ito lamang isang ordinaryong araw na kakain, maghahive, at matutulog lang. Hanggang, habang ako ay nakatuka sa Hive, biglang tumawag ang aking ama.
Tinanong niya kung nasa bahay lang ba kami at walang gagawin dahil may gustong ipagawa daw ang ante ko na kapatid ng papa ko sa asawa ko dahil alam ng papa ko na may talento ang asawa sa bagay na gustong ipagawa ng ante ko.
Ang bagay na ito ay ang pagset-up sa sound system na nasa bahay ng ante ko. Naisipan ng aking ama na humingi ng tulong sa aking asawa kasi alam ng aking ama na isa sa talento ng aking asawa ay ang pag-set up ng sound system. Sa bahay namin ay may naka set-up talaga na sound system at ang aking asawa ang lahat ng gumawa sa box at nag-set up. Dalawang barangay lang ang pagitan ng bahay namin sa bahay ng ante ko. Pwede lang itong lakarin sa mga taong masipag maglakad.
Tamang-tama ang pagtawag ng ama ko kasi kakatapos lang din naming kumain at wala na kaming gagawin pagkatapos kung hindi matulog.
Nagbihis lang kami ng pang-alis na damit at pumunta agad sa bahay ng ante ko.
Pagdating namin sa bahay ng ante ko, ikniwento niya na ang ama ko at ang kaibigan ng ama ko ang unang tumingin sa sound system. Ang kaibigan ng papa ko ay electrician sa barangay. Ang gustong mangyari ng ante ko at ang kaniyang asawa ay gamit ang SMART TV ay kailangan ma-konekta ito sa amplifier nila. Madali lang sana kaso ang gamit ay mula pa sa ibang bansa na pinadala ng kaniyang anak. Itong gamit na ito ay hindi pamilyar sa mga tao na nakatira sa bahay at sa kaibigan ng ama ko. Hanggang sumuko na sila at ang asawa ko na daw ang bahala sa sound system.
Agad namang tiningnan ng asawa ko ang mga gamit at nadiskobre niya na hindi akma ang gamit na wire na pang-konek sa SMART TV at sa amplifier. Para matapos ang gawain, pumunta kami sa palengke para bilhin ang dapat na wire at napakasuwerte ng ante ko kasi isa na lang ang natirang wire sa tindahan.
Pagkatapos bilhin ang kailangang wire, bumalik agad kami sa bahay ng ante ko. Nag-set-up na agad ang asawa ko at natapos din niya.
Mabuti na rin at nagamit ang talento ng asawa ko at may ambag pala sa komunidad ang kanyang hilig.
Kung kayo ay nakarating sa parte na ito habang nagbabasa, ibig sabihin nakuha ko po ang inyong interest.
Maraming salamat sa pagbabasa. Sana nagustuhan mo ang aking blog ngayon. Huwag niyo pong kalimutan ang suporta sa pamamagitan ng pag-upvote, reblog at paglagay ng comment kung may gusto din kayong ibahagi at naka-relate po kayo sa aking blog ngayon.
May akda: Maureen S. O.
*Lahat ng larawan ay kuha mula sa phone ng asawa ko.
Hindi ako ngupvote mam nglike lang ako 😊
Salamat sa like po.😊
Ohhh, busy ang araw na yan ha, busy kaya productive ano.
Yes po. Naging busy.busyhan.😄😄
What a busy day maam and also showcasing talents then pala. Good job sa kanila at na tapos din nila.
Thank you sir.😊 Yes sir.😊
Napakaswerte mo Ma'am @fixyetbroken sa iyong Asawa. Napakaraming alam na skills at mabait.
As of this moment ma'am. Dili pa ta sure sa sunod tuig.😄 Salamat sa pag-appreciate ma'am. 🤗
Daming talent Ng asawa mo. MgA in demand pa na talent.
😊 Yes ma'am, all in one ma'am. 😄 Salamat sa pag-appreciate ma'am. 😊
Aha! Lucky ante! Mabuti naman at naayos na. Enjoy na nila siguro manood ngayon :D
Opo.. natuwa po sila dahil nagamit na rin sa wakas. 😄
I bet nagpasalamat tlga auntie mo ma'am pagkatapos , to think na nag give up na Yung electrician kasi di niya kayang gawin Yung trabaho pero ang dali lang nalaman ng Asawa mo ang problema. Talented tlga ng Asawa mo 💗
Salamat sa pag-appreciate po.😊😊
Wow!!! Kanice sa talent sa imong husband miss @fixyetbroken. 😊 same sila sa akong uncle. Dako kaayo ug gamit. heheeh
Salamat sa pag-appreciate ma'am. 😊
Talent brings people together
Tama po. Thanks for dropping by.😊